NAGA CITY – Nagdala muli ng takot sa mga Pilipino, ang kumakalat sa social media na posibleng maranasan ng Pilipinas ang nasa magnitude 8 na lindol o higit pa.
Ayon kay Paul Alanis ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology Bicol, ang kumakalat na impormasyon na pahayag ni Teresito Bacolcol, Director ng PHIVOLCS nitong Abril pa nangyari na posible nga ang nasabing magnitude na lindol, na muli namang ikina-alarma ng marami. Gayunpaman positibo ang opisina dahil nagbibigay muli ito ng kamalayan sa bawat tao na maging handa sa lindol.
Samanatala sa panayam naman kay Ernesto Elcamel, Head ng Naga City Disaster Risk Reduction and Management Office, base na rin sa naging seminar at training nila, hindi isinasantabi ang psoibilidad ng lindol, na dapat mismong ang bawat indibidwal may alam sa mga gagawin, kaya napakahalaga ng mga earthquake drill bilang paghahanda sa paaralan, barangay na dapat tuloy ang koordinasyon, pag-inspeksyon ng mga gusali at establisemento, lalo na’t wala pang machine o equipment na makakapredict kung saan o kailan ang lindol. Nitong June 28, isinagawa ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill bilang paghahanda ng bawat Lokal na Pamahalaan.