Sinira ng mga kapulisan ng Tinglayan Kalinga sa tatlong araw na marijuana eradication ang 45,000 na puno ng marijuana na nagkakahalaga ng P9,000,000.00 noong June 27-29, 2024.
Nadiskubre ito sa 3,200 square meter na lupain sa Barangay Loccong at Barangay Butbut Proper Tinglayan Kalinga ng pinagsanib na puwersa ng Kalinga PPO, Regional Intelligence Division, PRO CAR, at Philippine Drug Enforcement Agency-Kalinga Provincial Office.
Sinabi ni PCOL GILBERT A FATI-IG, Provincial Director ng Kalinga Police Provincial Office ,ang matagumpay na marijuana eradication ay resulta ng pinaigting na kampanya ng mga kapulisan kontra iligal na droga.
Walang naaresto sa ikinasang operasyon.