Pamahalaan – walang kakayahang i-rehabilitate mag-isa ang NAIA – ekonomista

Naniniwala si Filipino-Canadian Economist Dr. Michael Batu na hindi kaya ng pamahalaan na i-rehabilitate mag-isa ang Ninoy Aquino International Airport.

Ito ay matapos malagdaan ang PHP170.6-billion public-private partnership (PPP) modernization agreement sa pagitan ng Department of Transportation (DOTr), Manila International Airport Authority, at ng San Miguel Corporation (SMC).

Read More:  Ateneo Law Student Council expresses disappointment over Cayetano

Sa panayam ng Brigada News FM kay Batu, sinabi nitong hindi sasapat ang pondo ng gobyerno para isaayos ang NAIA.

Aniya, dahil sa napakarami ring paliparan sa iba’t ibang panig ng bansa, hindi na kakayanin pa ng pamahalaan na tustusan ang lahat ng pangangailangan ng mga ito.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Dahil dito, iginiit ni Batu na napakaganda ng kasunduan kung saan may involvement na ang pribadong sektor.

Sa huli, binigyang-diin ng ekonomista na napakaraming benepisyo ng gagawing rehabilitation sa paliparan, at talagang napapanahon na para simulan ito.