Pamahalaan, tiniyak na hindi makakalabas ng bansa ang umanoy Chinese spy na nahuli sa Makati

Siniguro ng mga otoridad na hindi makakalabas  ng bansa ang hinihinalang Chinese spy na si Yuhang Liu.

Mababatid na naaresto si Liu sa Makati noong Mayo at nakuha sa kanya ang mga gadgets na naglalaman ng mga kahinahinalang larawan, video, audio, applications, data base, call logs, at file documents.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Ayon kay Philippine National Police spokesperson PCol. Jean Fajardo, inaalam na ng pulisya kung sino pa ang kasabwat nito o kasama ba ang suspek sa malaking sindikato.

Read More:  Ex-PNP Chief Nicolas Torre says he’s ready to help arrest Bato

Sa ngayon na haharap ang suspek sa kasong illegal interception at misuse of devices na paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.