Inilatag ng Department of Agriculture o DA kay Pangulong Bongbong Marcos ang kanilang 3 year development plan para sa pagtiyak ng food security sa bansa.
Kabilang sa development plan ang pagpapatayo ng karagdagang mga post harvest facilities tulad ng cold storages.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. target nilang makapag patayo ng 4 na cold storages sa Luzon.
Isa sa Food Terminal Incorporated sa Taguig, meron din sa La Union o Benguet, Mindoro at sa Sariaya Quezon.
Habang sa taong 2025 naman tutukuyin ang mga lugar na pagtatayuan sa Visayas at Mindanao.
Sa datos kasi ng DA, umaabot sa 30 percent ang nasasayang sa mga aning produkto ng mga magsasaka dahil sa kakulangan ng mga pasilidad na makakatulong para mapahaba ang buhay ng kanilang produkto.