Pamahalaan ng Germany, suportado ang mga Pilipino na nais magtrabaho doon

Hinikayat ni German Chancellor Olaf Scholz na dapat sulitin at samantalahin ng mga Pilipino ang mga oportunidad sa trabaho sa kanilang bansa.

Ito ay kasabay ng naging pagpupulong nila ni Pangulong Bongbong Marcos, at kung saan din nalagdaan ang renewal ng “Cooperation Program” kasama ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Read More:  Malacañang urges Sen. Bato Dela Rosa to surrender

Ayon kay Scholz, may mga naipasang batas sa kanila na nagpapahintulot ng mas madaling pagpapapasok sa mga foreign workers.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Umaasa umano ito na sa pamamagitan ng nasabing mga batas, mas mag-i-improve ang kooperasyon ng Germany at Pilipinas pagdating sa dekalidad na trabaho ng publiko.