Catch Up Fridays, hindi ititigil ng DepEd sa kabila ng panawagan ng ilang grupo

Nanindigan ang Department of Education (DepEd) na hindi nila ititigil ang pagpapatupad ng “Catch-up Fridays,” sa kabila ng mga panawagan ng mga grupo ng mga guro na suspindihin na muna ito.

Ayon kay DepEd Assistant Secretary Francis Bringas, hindi sila sumasang-ayon sa mga panawagan ng naturang mga grupo.

Read More:  LTFRB tightens monitoring of 20% fare discounts during Undas exodus

Nakikita naman daw ng DepEd na may mga bagay na kailangan talagang i-adjust sa Catch Up Fridays – at ang mga bagay aniyang ito ay tutugunan nila para maging mas maayos at maganda ang programa.

Read More:  Dela Rosa renews Supreme Court plea to block arrest and ICC transfer

Mababatid na umapela ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) at Teachers’ Dignity Coalition (TDC) sa education department na itigil at pag-aralang mabuti muna ang Catch Up Fridays dahil nagiging dagdag-pasanin lang umano ito sa mga guro.