Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos na nakahanda na ang pamahalaan sa nagbabadyang La Niña.
Sa kanyang talumpati sa pamamahagi ng financial assistance sa Surigao del Sur, sinabi ni Pangulong Marcos na hangad ng pamahalaan na wala nang maranasang aberya at pinsala sa panahon ng La Niña.
Gayunpaman, siniguro nitong nakahanda ang pamahalaan kung sakali mang mangailangan ng pondo at supply ng pagkain sa oras ng kalamidad.
Una nang sinabi ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na may naka standby silang 2.7 billion pesos para sa La Niña.
Samantala nasa higit 60million pesos ang halaga ng assistance na ipinamahagi ng Pangulo sa mga mangingisda at magsasaka sa Surigao del Sur na lubhang naapektuhan ng El Niño.
Maliban pa sa mga farm machineries tulad ng 4-wheel drive tractor, thresher at hauling truck.
Binigyan din ng Pangulo ng 12.4 million pesos ang provincial government ng Surigao del Sur at 50 million pesos naman sa Agusan del Sur.