Pamahalaan inihanda na ang framework agreement para sa peace negotiation

Naghahanda na ang pamahalaan para sa pagbalangkas ng framework agreement na magbibigay daan para sa pormal na pagsisimula ng peace negotiations sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front.

Ito ay matapos na magkasundo ang dalawang panig noong nakaraang linggo sa OSLO Norway na muling buksan ang peace talks tungo sa pagkakaroon ng final peace agreement na siyang magtatapos sa higit limang dekadang bakbakan sa pagitan ng gobyerno at rebeldeng komunista.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Ayon kay Presidential Adviser on Peace Reconciliation and Unity Sec. Carlito Galvez, mahalaga ang magiging imput ng iba’t ibang sektor sa pagbalangkas ng framework.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Nilinaw naman ni DND Sec. Gilberto Teodoro na hindi pa pormal na nagsisimula ang peace talks at tuloy pa rin ang mga law enforcements operations ng mga awtoridad.

Gayun pa man itinuturing na magandang balita ito sa Armed Forces of the Philippines tungo sa hanggad na kapayapaan sa bansa.