Mga resolusyon na may kaugnayan sa ICC lusot na sa Komite ng Kamara

Lusot na sa mga komite ng Kamara ang mga resolusyon nag-uudyok na makipagtulungan ang gobyerno sa imbestigasyon ng International Criminal Court sa war on drugs ng adminsitrasyong Duterte.

Sa ikalawang hearing ng House Committee on Justice on Human Rights walang kumontra ng aprubahan nila ang mga resolusyon ukol dito.

Inaprubahan din ng mga Komite ang hirit ni Albay Rep. Edcel Lagman na makipagtulungan kay Senator Risa Hontiveros para gawing concurrent ang mga resolusyon sa Kamara at Senado.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Ayon kay Representative Bienvenido Abante makakatulong ito upang mabago ang isip ng pangulo na makipagtulungan sa ICC.

Naninindigan naman si Solicitor General Menardo Guevarra na political decision ng pangulo ang pakikipagtulungan sa ICC.

Ipinaliwang din ni Guevarra na bagamat sakop ng ICC ang mga krimen naganap sa bansa noong nasa ilalim pa ito ng ICC nabigo naman itong ipatupad ang hurisdiksyon para sa Pilipinas.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Pero ayon kay Bayan Muna Neri Colmenares nasa ilalim pa ng ICC ang bansa noong maghain ng reklamo.

Giit naman ng Department of Justice gumagana ang hustisiya sa bansa kaya walang basehan para pumasok ang ICC.

Sinabi naman ng Central International Law maliwanag sa RA 9851 (An act defining and penalizing crimes against international humanitarian law, genocide and other crimes against humanity, organizing jurisdiction, designating special courts, and for related purposes) na pwedeng hindi na imbestigahan ang bansa kung may iba ng korte ang nag-iimbestiga.