Muling napabilang ngayong taon ang Brigada Balita Nationwide sa Umaga bilang finalist sa Best News Program category ng The Catholic Mass Media Awards.
Ang Brigada Balita Nationwide sa Umaga ay ina-anchor nina Brigada Glenn Parungao at Brigada Gab Dalisay.
Ito’y napakikinggan tuwing alas-siyete ng umaga sa lahat ng himpilan ng Brigada News FM nationwide, at napapanood din via livestream sa Facebook pages at YouTube Channels ng Brigada.
Pasok din sa Best News Program Category ang Banat Brigada Balita program na napakikinggan mula alas-singko bente hanggang alas-sais ng umaga.
Kasama ni Brigada Glenn Parungao si Brigada Hajji Kaamiño.
Maaalalang nakasama rin noong 2022 at 2023 ang Brigada Balita Nationwide sa Umaga sa parehong kategorya sa ginanap na CMMA awarding.
Ang amin pong taus-pusong pasasalamat sa mga bumubuo sa CMMA sa pagkilalang ito.