Pamahalaan, tinitiyak ang kaligtasan ang mga Pinoy seafarers na sakay ng binombang barko – PBBM

Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga Filipino seafarers na sakay ng barkong MV Tutor na binomba ng Houthi rebels sa Red Sea, na kumikilos ang pamahalaan upang madala sila sa ligtas na lugar.

Sa isang video message, sinabi ni Pangulong Marcos na nakikipag ugnayan na sila sa United Kingdom maritime trade operations.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Naghahanap na anya ng paraan ang gobyerno para madala sila sa Djibuoti.

Ayon sa Pangulo, sa sandaling madala ang mga Pinoy seafarer sa Djibouti, gumagawa na rin sila ng arrangement para mapauwi sila dito sa Pilipinas.

Humihingi na aniya ng tulong ang pamahalaan sa mga kaibigan, para madala ang mga nasabing seafarers sa Djibouti.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Sa unang pahayag ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac, nagtamo ng tama ang barko sa maselang bahagi nito at naapektuhan ng engine room.

22 mga Filipino seafarers ang kabilang sa tripulante ng barko at isa sa mga ito ang nawawala.

Ayon kay Cacdac, nasa dagat pa rin ang barko pero ligtas naman ang 21 pinoy na marino.