COMELEC, sang-ayon na i-publish online ang mga certificate of candidacy ng tatakbong pulitiko

Inaasahang maglalabas ang Commission on Election o COMELEC ng resolusyon hinggil sa paglalathala online ng mga certificate of candidacy o COC ng mga tatakbong pulitiko.

Ayon kay COMELEC spokesperson John Rex Laudiangco, maituturing na public document ang certificate of candidacy.

Read More:  PNP tightens measures to prevent rebel recruitment

Sa COC daw kasi makikita kung may sapat na basehan ang isang botante upang magsampa ng petition laban sa tumatakbong kandidato sa kanilang lugar.

Tulad ng Petition for cancellation or denial of due course of COC; petition for disqualification, at ang petition to declare as nuisance candidate.

Read More:  DILG suspends 2 SK chairpersons in Makati over alleged corruption

Kaya para madali itong ma-access ng publiko, ia-upload ng ahensya sa kanilang website ang lahat ng COC upang itaguyod ang makatotohanang pagtakbo, tapat na pangangampanya at maging accessible ang impormasyon sa bawat botanteng Pilipino.