Bigyan ng sustainable program, inirekomenda ng isang Kapitan sa patuloy na pagpwesto ng mga illegal vendor sa Naga City

NAGA CITY – Problema pa rin hanggang ngayon sa lungsod ng Naga ang patuloy na pagpwesto ng mga illegal vendor lalo na kapag gabi, partikular sa may isang mall na sakop rin ang Barangay Igualdad, sa General Luna Street, at sa kasentruhan.

Sa naging panayam kay Angelo Bendiola, Barangay Kapitan ng Igualdad, aniya, patuloy man ang mga barangay road clearing operation katuwang ang Public Safety Office at Naga City Police Office, kung walang sustainable program para sa mga illegal vendor magpapatuloy pa rin ang mga itong magtitinda at maghahanap buhay dahil maging sila kahit gabi nakikita nila ang mga ito.

Rekomendasyon niya, una, kailangang magsagawa ng Education Drive hinggil sa Barangay Road Clearing at Anti Illegal Vending, ang ipa-intindi sa kanila ang batas, pangawala bigyan ng programa tulad ng oras ng pagtitinda o gawing rolling vendor na maaaring umalis sa pwesto, pangatlo ang magkaroon ng evaluation kung sila ba ay mga lihetimong manininda ng lungsod na kung saan maaaring ang mga taga ibang bayan pa ang hindi marunong sumunod, upang malaman na rin kung sinu-sino lamang ang mga maaaring mabigyan ng pwesto.

Sa ganitong paraan, hindi man 100%, posibleng long term solution ito sa problema na magbebenipisyo ang lahat; para sa mga dumadaan, hindi na harang sa kalsada at higit sa lahat hindi sagabal sa hanap-buhay ng iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *