Palayan, naapektuhan ng pagbabaha sa San Fernando , Camarines Sur

NAGA CITY – Humupa na ang pagbabaha sa San Fernando Camarines Sur lalo na sa pinaka-highway nito matapos na tumigil ang pag uulan kahapon ng hapon.

Nawala na rin ang tubig-bahang rumaragasa na nakaapekto sa mga palayan sa mga karatig barangay sa sentro mismo ng bayan.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Pero may epekto ito sa mga palay.

Ito ang inihayag sa Brigada News FM Naga ni Allan Salvador ang head ng Municipal Agriculture Office sa naging epekto ng nangyaring pag-uulan sa loob ng ilang araw.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Ang mga apektadong magsasaka ay puwede nilang matulungan sa pamamagitan ng Department of Agriculture lalong-lalo na kung  insured.

Wala pang ulat na inilabas si Salvador, kung gaano kalawak ang pinsala sa sakahan na dinala ng pag-uulan hinihintay ang pormal na reklamo ng mga apektadong magsasaka.