Palay seeds handa ng ibigay sa mga magsasakang apektado ng sobrang init sa Naga City

NAGA CITY –Handa na ang City Agriculture Office na ipamigay ang mga palay seeds sa lahat ng mga magsasaka sa Naga City na apektado ng sobrang init ng panahon na batay sa talaan nila ay umabot sa 68 na ektarya at may mahigit 60 mga magsasakang apektado.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sinabi sa Brigada News Fm Naga ni Francis Talion Abasola, Agricultural Technologist na puwede na uling magtanim ng palay ang mga nakapag-ani ng mga magsasaka para may masimulan na naman ang mga ito sa kanilang kabuhayan.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Inabisuhan niya na rin tuloy ang mga magsasaka na mag parehistro sa Registry System for the Basic Sectors in Agiriculture o RSBSA para madaling makakuha ng anumang ayuda na ipinamimigay ng Department of Agriculture.