Palaweñong OFW, patay sa saudi dahil sa sobrang trabaho?!

Ipinaalam na sa pamilya kagabi, ika- 16 ng Agosto ang autopsy result sa katawan ng Palaweño na Overseas Filipino Worker na si Mrs. Riolyn Saldivia na namatay sa Saudi noong July 16, 2024.

Ayon sa pamilya, ipinabatid sa kanila na nagkaroon umano ng “blood-clot” at lumaki ang puso ng OFW na maaaring resulta ng sobrang pagod o stress.

Read More:  5 dead in Sorsogon City market fire, including mother and daughter

Nagsimula itong mag-trabaho sa Saudi noong Nobyembre 2023 bilang Domestic Helper ngunit wala raw itong day-off.

Read More:  2 dead, several injured as century-old mango trees crush Davao homes

Nalaman na lang ng pamilya na patay na si Riolyn bago ito makarating ng ospital sa Saudi.

Kasalukuyang, nakaburol sa Sofronio Española si Riolyn at ililibing siya sa susunod na Sabado, ika- 23 ng Agosto.