Ginagampanang papel ng Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) sa business sector, kinilala sa 1st Bicol Business Summit

BNFM Bicol- KINILALA sa ginanap na 1st Bicol Business Summit nitong Hulyo 12 ang ginagampanang papel ng mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa rehiyon bilang pinakamalaking tagapagsulong ng innovation at pagpapalago ng ekonomiya sa kabikolan.

Batay sa ibinahaging datos ng Philippine Statistical Authority (PSA) at Department of Trade and Industry (DTI), ang 93 porsyento ng mga negosyo sa rehiyon ay binubuo ng mga MSMEs at hinihikayat ang mga ito na makilahok sa mga inisyatibong inilulunsad ng National Innovation Agenda and Strategy Document 2023-2032.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City
Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Layunin ng 1st Bicol Business Summit na mabigyang pagkilala ang potensyal ng regional line agencies sa innovation-driven development sa pagkakaisa ng mga negosyong ito tungo sa sustainable economic growth sa rehiyon. # # # Nico Merciales, Intern

Photo from NEDA Bicol