Palasyo, wala pa rin pahayag kaugnay sa unang Nobel Peace Prize ng Pilipinas

Wala pa rin pahayag ang Malacañang kaugnay sa panibagong kasaysayan na ginawa ng journalist na si Maria Ressa matapos nitong masungkit ang kauna-unahang Nobel Peace Prize ng bansa.

Ang nasabing award ay dati nang naigawad sa ilang kilalang personalidad sa buong mundo kabilang na sina Martin Luther King, Jr., Mother Teresa at Nelson Mandela.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Inihayag ng Norwegian Nobel Committee na si Ressa ang kumakatawan sa mga journalists na tumitinding para sa isang mundo kung saan ay nahaharap sa adverse conditions ang demokrasya at freedom of the press.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Matatandaan na dati nang inakusahan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Rappler, na media news outlet ni Maria Ressa, ng pagpapakalat ng fake news.