Palasyo, minaliit mga lumabas na photos ni Duterte kasama ang isa pang firm na nabanggit sa Senate probe

Minaliit ng Malacañang ang mga larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang isang Chinese businessman na umano’y chairman ng isa sa mga kompaniya na nagsusuplay ng medical goods sa Department of Budget and Management Procurement Service (PS-DBM).

Paliwanag ni presidential spokesperson Harry Roque, bilang public official, regular na nakakatanggap si Duterte ng mga requests para sa photo opportunities.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Mababatid na sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee kaugnay sa kuwestiyunableng transaksyon ng Department of Health sa PS-DBM, ipinakita ni Senator Risa Hontiveros ang mga larawan ni Duterte na may pulong kay Wang Min, na chairman ng Xuzhou Construction Machinery Group (XCMG).

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Ayon kay Hontiveros, ang mga larawan ay kuha noong 2017.

Dahil dito, kinuwestiyon ng senadora kung bakit naging supplier ang XCMG ng medical supplies sa PS-DBM, gayung ito ay construction company.

Pero giit ni Roque, wala naman masyadong isyu sa naturang mga larawan.