Palasyo ikinatuwa ang pagtaas ng employment rate sa bansa nitong Marso

Ikinatuwa ng Malacañang ang pinakahuling employment situation na iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan umabot sa 94.2 percent ang employment rate nitong March 2022.

Ito na ang pinakamataas na employment rate simula noong April ng 2020.

Read More:  Ejercito urges PhilHealth to use returned P60 billion for healthcare services

Sa isang pahayag sinabi ni Presidential Spokesman Sec. Martin Andanar na patunay lamang ito na epektibo ang calibrated strategy na ginawa ng gobyerno katulad ng pagshift papuntang alert level system.

Nagresulta umano ito ng pagbubukas ng mas maraming negosyo at mas maraming Filipino ang nakabalik sa trabaho habang pinapalakas ang COVID-19 vaccination drive.

Read More:  DepEd launches disaster risk platform

Kumpiyansa naman si Andanar na mas gaganda pa ang employment situation sa gitna ng mga konkretong plano ng gobyerno para magtutuloy-tuloy ang pag-unlad ng ekonomiya.