Mahigit 3.9M rehistradong botante inaasahang makakapag-boto sa Bicol Region – Comelec Bicol

LEGAZPI – 4 na araw bago ang eleksyon nanindigan ang Commission on Election Bicol na handang-handa na ang lahat ng mga ahensya de gobyerno sa nalalapit na halalan.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Jasmine Belarmino ang Legal Assistant Director ng Commission on Election Bicol sa panayam ng Brigada News FM Legazpi na mayroong mahigit kumulang 3.9 milyon ang  rehistradong botante sa bicol region at inaasahang makakapag-boto ito sa araw mismo ng eleksyon.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Pinakamaraming rehistradong botante ang Camarines Sur, Albay Camarines Norte, Sorsogon konti lang ang rehistrado sa lalawigan ng Catanduanes at Masbate.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Samantala, matatandaan, na kahit walang vaccination card ay pwedeng makapagboto ang botante dahil karapatan ng botante na makapagpili ng mismo nitong lider sa komunidad.