Mga VCMs halos walang problema – Comelec Bicol

LEGAZPI – Halos walang problema ang lahat ng mga vote counting machines na idinala sa Bicol

Ito ang kinumpirma ni Atty. Jasmine Belarmino ng Comelec Bicol sa panayam ng Brigada News FM Legazpi, na walang nagka-aberya sa mga VCMs.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Aniya, nakalatag na ang ‘contingency plan’ ng ahensya upang kung meron man na problema ay agad naman na masosolusyonan.

Aabot sa 6,656 na mga VCMs ang naideploy na sa mga voting centers ngunit kung meron man na magkaroon ng malfunction sa mga VCMs ay agad naman itong papalitan.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Samantala, hindi na rin bago sa ahensya ang ganitong klaseng sitwasyon ngunit handa pa rin kung magka-problema.