Palasyo hinimok ang publiko na mag-donate sa Odette victims kaysa bumili ng paputok

Hinimok ng Palasyo ang publiko na mag-donate na lamang sa mga survivors ng Bagyong Odette imbis na bumili ng ipinagbabawal na paputok sa pagsalubong sa 2022.

Ipinaalala ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles na sa pamamagitan ng 2017 executive order ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nalimitahan ang paggamit ng paputok sa “community fireworks displays” sa mga selebrasyon para sa Bagong Taon.

Read More:  Ex-PNP Chief Nicolas Torre says he’s ready to help arrest Bato

Ipinunto ni Nograles na kinakailangan pa nito ng permits mula sa mga lokal na pamahalaan at dapat ay mayroon rin itong gabay ng lisensyadong propesyonal mula sa hanay ng pulisya.

Nagbabala rin si Nograles na may crackdown ang Department of the Interior and Local Government at Philippine National Police laban sa mga ilegal na paputok.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada calls DOJ plunder recommendation ‘unjust’

Ipinayo naman ni Nograles sa publiko na ipagdiwang na lamang ang Bagong Taon gamit ang mga pampaingay tulad ng tambol at bells imbis na torotot na maari pang maging sanhi ng pagkalat ng COVID-19.