Inihayag ng Malacañang na maaring taasan ng gobyerno ang alert level anuman oras kung kinakailangan sakaling tumaas ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region.
Inihayag ito ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles matapos iulat ng OCTA Research Group na tumaas sa higit 5% ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila nitong Lunes, December 27.
Sinabi ni Nograles na mag-aanunsyo sila ng bagong alert level para sa January 1-15.
Nilinaw naman ni Nograles na hindi bawal para sa mga lokal na pamahalaan na magtaas ng alert level sa mga probinsya at highly urbanized cities kung kinakailangan.
Ipinunto ni Nograles na basta’t nakabase ito sa mga panuntunan ng Inter-Agency Task Force.
Mababatid na nasa ilalim ng Alert Level 2 ang buong Pilipinas ngayong Disyembre.
