Kinumpirma ng Pilipinas ang 889 na karagdagang kaso ng COVID-19, na pinakamataas na naitala matapos ang mahigit isang buwan.
Base naman sa samples na kinolekta mula sa 27,615 na indibidwal nitong Lunes ay umabot ang positivity rate sa 4.5 percent.
Mula naman sa mahigit 2.8-million na COVID-19 cases na naitala sa bansa, ay 10,418 o 0.4-percent ang aktibong mga kaso.
Naniniwala si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sumipa ang bilang ng mga kaso dahil sa mataas na mobility ng mga tao nitong holidays.
Ipinunto ni Vergeire na patuloy ang pag-monitor nila sa sitwasyon, at hindi pa tiyak na ang Omicron ang sanhi ng pagtaas ng mga kaso.
Samantala, dahil sa 28 karagdagang fatalities ay umakyat sa 51,241 ang death toll ng bansa.
Nasa mahigit 2.7-million naman ang bilang ng recoveries kabilang na ang 214 na bagong gumaling mula sa sakit.
