Palasyo, hinimok ang LGUs na magpasa ng ordinansa vs. pagbebenta ng COVID-19 vaccine/vaccination slots

Hinimok ng Palasyo ang mga lokal na pamahalaan na magpasa ng ordinansa  na magpaparusa sa mga indibidwal na mahuhuling nagbebenta ng COVID-19 vaccines o vaccination slots.

Ginawa ni presidential spokesperson Harry Roque ang pahayag sa gitna ng mga ulat na mayroong nagaganap na bentahan ng vaccination slots sa ilang lungsod sa National Capital Region (NCR).

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Ayon kay Roque, libre lahat ng bakunang ipinapadala sa mga lokal na pamahalaan at di ito aprubado for commercial use. 

Aniya ang pagbebenta ng mga bakuna ay swindling o di kaya ay paglabag sa FDA law. 

Binigyang diin ni Roque na di papayagan ng Malacanang ang pagbebenta ng mga bakuna dahil malalagay sa alanganin ang commitment ng bansa sa COVAX Facility para sa pantay na pamamahagi ng bakuna. 

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Mababatid na nagpasa na ang Manila city government ng ordinansa na magpaparusa sa mga indibidwal na nasa likod ng nasabing kalakaran.

Batay sa mga ulat, ibinebenta ang vaccine slot sa ilang LGUs sa halagang aabot ng P15,000 kada isa.