Palasyo, bukas sa panukalang isailalim na ang buong Pilipinas sa Alert Level 1

Hindi iniaalis ng Palasyo ang posibilidad na isailalim na ang buong bansa sa pinakamaluwag na restriction level na Alert Level 1.

Ito ang sinabi ni PCOO secretary and acting Presidential spokesperson Martin Andanar sa gitna ng pananatiling mababang kaso ng COVID-19 cases sa bansa.

Read More:  Marcos says heavy rain and climate change worsened Central Luzon flooding

Ayon kay Andanar, maganda na ang datos na namo-monitor ng mga health officials dahil hindi na muli pang lumala ang sitwasyon ng pandemya sa Pilipinas.

Sa kabila nito, mayroon pa rin aniyang mga naitatalang bagong kaso lalo na ang mga mas nakahahawang subvariants ng COVID-19.

Read More:  Facebook ban in Philippines possible as CICC warns meta over laws

Dahil dito, kinakailangan pa ring magkaroon ng masusing pag-aaral ang IATF at hihintayin pa ang opisyal na rekumendasyon mula sa mga eksperto.

Sa ngayon aniya, ang pinakamahalaga pa rin ay palakasin ang pagbabakuna, pati na rin ang pagsunod ng mga Pilipino sa minimum health standards.
#