Grupo ng manggagawa, ‘di kokontrahin ang umento sa pasahe

Hindi na ko-kontra pa ang grupo ng mga mangagawa sa ipinatupad na taas-pasehe sa mga pampasaherong jeepney sa Metro Manila, Central Luzon at CALABARZON.

Ayon kay TUCP spokesperson Alan Tanjusay, bagamat mayroong epekto ang pisong umento sa pasahe sa kanilang pang-araw araw na sahod, tanggap naman daw ng mga manggagawa ang hakbang na ito.

Read More:  Facebook ban in Philippines possible as CICC warns meta over laws

Aniya, naiintindihan ng mga manggagawa ang pangangailangan ng mga jeepney drayber at mga operator na magtaas na ng pasahe.

Read More:  Marcos says heavy rain and climate change worsened Central Luzon flooding

Nauunawaan daw nila ang mga kapwa manggagawang mga tsuper na higit na naghihikahos dahil sa pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo.

Giit ni Tanjusay, kung ikagagaan naman ito ng pamumuhay ng mga drayber ay hindi na nila ito tututulan pa.
#