Active cases ng COVID-19 sa Sorsogon, umakyat na sa 5 matapos magtala ng 2 bagong kaso

SORSOGON CITY – Umabot na sa kabuuang lima ang bilang ng aktibong kaso ng Covid-19 sa lalawigan ng Sorsogon.
Ito ay matapos na muling makapagtala ng dalawang bagong kaso base sa pinakahuling datus na ipinalabas ng Provincial Health Office (PHO) Sorsogon.
Ang mga bagong kaso ay ang 34-anyos na babae mula sa Barangay Bagacay sa bayan ng Gubat at ang 31-anyos na babae mula sa Barangay Burgos, bayan ng Casiguran
Samantala 25 naman ang nagnegatibo sa swab test mula sa mga close contact ng nasabing bagong kaso.
Sa kabuaan nakakapagtala na ng lalawigan ng 8,352 indibidwal na tinamaan ng Covid-19.

Read More:  Two killed after fuel tanker crashes into roadside food cart in Negros Occidental
Read More:  High school students stabbed after street attack in Davao City; six minors taken into custody