Palasyo: Boluntaryong magsuot ng face shields dahil sa Omicron

Hinimok ng Palasyo ang mga Pilipino na magsuot lang ng face shield bilang proteksyon konta sa COVID-19 infections, sa gitna ng banta ng Omicron variant.

Ito ay sa kabila na sinabi ng acting presidential and Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases spokesperson, na ang kasalukuyang polisiya ng gobyerno sa pagsusuot ng face shield ay voluntary.

Read More:  Claire Castro stays in PCO post as Cayetano calls her a “treasure”

Batay sa IATF Resolution No. 148-D, ang pag-gamit ng face shield ay boluntaryo lang para sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3, pababa, bagama’t nananatiling mandatory para sa mga indibidwal sa healthcare settings.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Una nito, inihayag ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na tinitingnan ng gobyerno ang posibilidad ng pagbabalik sa face shield policy dahil sa banta ng Omicron variant. //MHEL PACIA-TRINIDAD