1st nat’l vaxx drive, magpapalakas sa COVID shots sa 6 regions

Nakikitang magpapalakas ang three-day national immunization drive sa inoculation efforts ng bansa laban sa COVID-19, lalo na sa mga lugar na nasa labas ng National Capital Region na mayroong mababang vaccination rate.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., umaasa silang mababakunahan ang mas marami pang tao mula sa Central Luzon (Region III), Calabarzon (Region IV-A), Bicol Region (Region V), Davao Region (Region XI), Soccsksargen (Region XII), Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), at maging sa Cebu province sa loob ng naturang period.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Sinabi ni Galvez, na mula sa 9 million COVID-19 vaccines na ituturok sa aktibidad, layunin nila na mabakunahan ang tatlong milyon sa Central Luzon at Calabarzon.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Una nang ibinaba ng pamahalaan ang kanilang inoculation target mula sa 15 million sa 9 million para sa three-day drive dahil sa logistical challenges. //MHEL PACIA-TRINIDAD