Isasailalim lang ng national government ang bansa o teritoryo sa ilalim ng kanilang COVID-19 “red list” sa oras na madetect na sa Pilipinas ang local case ng bagong COVID-19 variant na Omicron.
Ang paliwanag ni Cabinet Secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles ay kasunod sa mga concerns na ang Hong Kong ay may napaulat nang kaso ng Omicron, pero hindi pa kabilang sa “red list” countries, kung saan bawal ang pagbiyahe mula at papunta sa naturang bansa.
Sa gitna nito, tiniyak ng opisyal na mahigpit na binabantayan ng gobyerno ang mga developments sa Hong Kong at iba pang mga bansa.

Samantala, minominotor rin ng pamahalaan kung papaanu ipinapatupad ng ibang mga bansa ang kanilang quarantine at testing protocol sa imported Omicron cases.
Sakaling ito ay mapatunayang satisfactory, ang kanilang kasalukuyang status ay mananatili, maging sila ay nasa yellow o green list. //MHEL PACIA-TRINIDAD