Naniniwala ang ilang mga senador na mas magkakaroon ng malinaw na direksyon ang Armed Forces of the Philippines matapos lagdaan ang Republic Act 11709 – o ang batas na nagtatakda ng three-year fixed term sa mga military officials.
Ayon kay Senador Dick Gordon na isa sa mga bumalangkas ng batas, mas mapadadali na ngayon ang ‘stability’ at ‘continuity’ o ang pagtutuloy ng magandang pamumuno sa AFP.

Sa wakas din aniya ay masasawata na ang ‘revolving door’ policy sa pagtatalaga ng mga AFP officials na kung tutuusin ay pumapabor lamang sa palakasan.
Dagdag pa nito, mas magkakaroon ng malawak na pagpipilian ang Pangulo sa mga magiging opisyal ng AFP, at hindi ang mga pa-retire lamang.
Pinagbabawalan din ang isang retired o resigned officer na italaga sa Department of Defense sa loob ng isang taon.
#