Govt bodies: Walang nireject na anumang alok na Moderna vax

Nilinaw ng Department of Health (DOH) at ng National Task Force (NTF) na hindi nireject ng gobyerno ang anumang Moderna vaccine na inalok sa bansa.

Sa katunayan, nakatanggap ang bansa ng tatlong milyong Moderna vaccines mula sa United States sa pamamagitan ng Covax Facility noong August 3.

Read More:  Bantay Impeachment: avoid delaying tactics in VP Sara impeachment trial

Mula dito, hindi na nakatanggap ang Vaccine Cluster ng iba pang alok para sa Moderna jabs.

Para kay NTF Chief Implementer and vaccine czar Carlito Galvez, Jr., ang naturang mga bakuna ay mahalaga sa pagkamit sa layunin, at magbibigay ng karagdagang proteksyon sa mga Pilipino laban sa COVID-19.

Read More:  Ex-rep. Kiko Barzaga charged with cyber libel

Dagdag ni Galvez, ito ay tungo sa pagligtas ng mas maraming buhay at paglaban sa pandemya na dapat pagtulungan ng buong gobyerno at ng lahat ng bansa. //MHEL PACIA-TRINIDAD