Pagyakap, halik at selfie sa mga kandidato ipagbabawal sa kampanya – COMELEC

Posibleng madiskwalipika ang mga kandidatong papayag na magkaroon ng physical contact sa kanilang mga supporters kapag magsimula na ang kampanyahan para sa 2022 Elections.

Sa inilabas na guidelines ng Comelec, mahigpit na ipagbabawal ang pagyakap, paghalik at selfie ng mga kandidato sa kubuoan ng campaign trail.

Read More:  DOH reports no Ebola cases in the Philippines

Ayon sa COMELEC mariin nilang ipapatupad ang health protocols dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.

Batay sa Resolution No. 10732 ng poll body ang paglabag sa health and safety regulations na itinakda ng pamahalaan ay ituturing na election offense.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Kabilang din sa mga ipinagbabawal ng Comelec sa kampanya ay ang kamayan o handshakes at pamamahagi ng pagkain at tubig sa mga rallies sa gitna ng mga politikal na pagtitipon.