Inihain ng mga miyembro ng Quad Committee sa Kamara ang isang panukalang batas na layong I-classify o ituring ang extrajudicial killings bilang isang heinous crime.
Batay sa House Bill 10986 o ang Anti-Extrajudicial Killing Act, papatawan ng mabigat na parusa ang sinumang masasangkot sa EJK upang itaguyod ang hustisya at pananagutan laban sa state agents at mga awtoridad.
Ibinase ang panukala sa findings at rekomendasyon ng Quad Comm na nag-iimbestiga in aid of legislation at upang magkaroon ng mahigpit na legal standards na tutugon sa krimen.
Nakapaloob sa panukala na ang extrajudicial killings ay banta sa demokrasya at sa judicial procedures na sumisira naman sa justice system ng bansa.
Ang kawalan anila ng pananagutan sa naturang krimen ay mag-iiwan ng kontribusyon sa culture of impunity.
Kapag napatunayan sangkot sa EJK ang isang suspek ay maaari itong habambuhay na makukulong at hindi mabibigyan ng parole.