‘Bigger bosses’ na kumanlong sa illegal POGO hub, next target na mahuli ng ilang senador

Itinuturing na malaking panalo nina Senador Win Gatchalian at Senadora Risa Hontiveros ang naging paghuli kay Lin Xunhan o mas kilala sa ‘Boss Boga’ na siyang kasama sa search warrant na in-execute noong nakaraang Hunyo sa Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Kasunod nito, umaasa umano si Gatchalian na mas marami pang katulad ni ‘Lin Xunhan’ ang masasawata at mahuhuli ng pulisya.

Ngunit sa kabila nito, ayon kay Hontiveros, hindi dapat maging kampante ang awtoridad dahil tiyak niyang mayroong kumakanlong dito na maaring kawani pa ng gobyerno.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Bilang tugon, binigyang-diin ng senadora na dapat lang nilang mahuli at mapanagot sa batas ang mga ‘bigger bosses’ sa likod nito na siyang sangkot sa iba’t ibang krimen.