Nanindigan si Senador Christopher Bong Go na ipagpaliban muna ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa mga paaralan hanga’t hindi pa naaabot ng bansa ang herd immunity.
Sa isang panayam matapos ang launching ng ika-129th Malasakit Center sa Tondo Medical Center sinabi nitong dapat magpokus muna ang pamahalaan sa pagpapabilis ng vaccine rollout.
Ayon sa mambabatas mas mahalaga sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buhay ng mga Pilipino.
Dagdag pa ni Go ngayong nagpapatuloy pa ang banta ng pandemya mas mainam na ipatupad pa rin ang blended learning.
Hinimok naman ni Go ang Department of Education na gumawa ng mga hakbang upang mas mapaganda pa ang sistema sa blended learning habang hindi pa pinapayagan ang mga bata na pumasok sa mga paaralan.
“Kawawa naman po mga bata, napi-pressure po ‘yung bata, malaking epekto po iyon sa kanila. Ang importante po, walang masayang na taon. Ang importante po matuto sila,” ang pahayag pa ni Go.
