Pagtitiyaga payo ng isa sa Bicolanang LET Topnotcher

NAGA CITY- Nanginginig ang kamay at hindi makapaniwala ang 26-anyos na isa sa nag Top 9 sa Licensure Examination for Teachers (LET) Elementary Level nang malaman ang resulta na inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC).

Ibinahagi sa Brigada News FM Naga ng 26-anyos na si April Joy Espinosa Tamayo tubong San Pascual Masbate, Graduate sa Ateneo De Naga University ang kaniyang mga naging sakripisyo; noong nag-aaral sa Naga, hirap sa pag online review ngayong nasa pandemya at pagsasabay sa pagtulong sa anak na nasa modular class. Kailangan ang tiyaga upang maabot ang pangarap kahit anuman ang nagiging hamon.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Tatlong beses aniya na nacancel ang exam ngayong pandemya dahil sa dami ang examinees kaya kailangan hatiin sa ilang batch.

Noong College simple lamang siyang estudyante. Hindi naman nakakakuha ng awards lagi, kaya hindi inakala na papasok sa Top 10 sa average na 90.20%.

Ang kaniyang ina ang isa sa pinaghuhugutan ng lakas, karenderya ang pinagkukunan ng pang tuition at sa huling semester ay natulungan ng scholarship sa tertiary education subsidy.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Plano ni Tamayo  na pormal na magturo sa sariling probinsya.

Bukod kay Tamayo Top 9 din si  Nika Santander Ausejo ng Ligao Community College.

Bumuhos ang pagbati sa dalawang Bicolana na nakapasok sa Top 10.