Mga kabataan hinimok na magpabakuna kontra COVID- 19

CAMARINES NORTE- Hinimok ni Mercedes Camarines Norte Sangguniang Kabataan Municipal Federation President Rochelle Bernas ang mga kabataan na magpabakuna kontra COVID- 19 at samantalahin ang pambansang bakunahan.

Ayon kay Bernas, hindi lang ang mga Mercedeños ang kaniyang hinihikayat  kundi lahat ng mga kabataan  maging sa ibang lugar na pwede nang tumanggap ng bakuna kontra COVID- 19.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ito umano ay para matapos na ang hindi magandang epekto ng pandemya

Ginawa ni Bernas ang pahayag sa Laging Handa Public Briefing ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) nitong Martes kung saan isa ang naturang opisyal sa naging resource person kasama ni Governor Edgardo Tallado.

Sa naturang talakayan ay inihayag ng opisyal  na aabot sa 1, 432 ang bilang ng mga nabakunahan kontra COVID- 19 sa iba’t- ibang vaccination site sa Mercedes sa unang araw ng pambansang bakunahan noong November 29.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Sa bilang na ito  442 ang nabakunahan sa Mercedes Evacuation Center, 332 sa Manguisoc National High School, 351 sa Pambuhan National High School at 307 sa Colasi Integrated School.