Active cases ng COVID-19 sa Bicol mas bumaba pa dahil sa mababang daily case at mataas na recoveries

BICOL—Tuloy-tuloy ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa Bicol region dahil sa mababang daily case habang mataas naman ang mga bagong nakakarekober.

Sa ngayon ay nasa 9.65% o 4,503 na lamang ang aktibong kaso ng sakit sa kabuuang 46,648 cumulative cases.

Walo ang nadagdag kahapon kung saan tatlo nito ay mula sa Camarines Sur na galing sa mga bayan ng Bula, Ocampo at Sipocot.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Dalawa ang bagong kaso sa Albay na mula sa Legazpi City at Malinao. Dalawa rin sa Sorsogon na galing sa Irosin at Pilar. Isa sa Catanduanes na naitala sa bayan ng Virac habang zero new case ang Camarines Norte.

Pumalo na sa 40,354 (86.51%) ang total recoveries matapos magtala ng 48 na mga bagong gumaling kung saan 34 nito ay mula sa Camarines Sur, 12 sa Catanduanes at dalawa sa Sorsogon.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Samantala, tumaas naman ang death toll sa 1,791 (3.84%) matapos madagdagan ng 19 na mga bagong nasawi. 17 nito ay naitala sa Camarines Norte at dalawa sa Sorsogon

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng DOH Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19.### | slm