Senate Committee on Health – nanawagan sa DBM at DOH na tiyaking tugma ang kanilang records sa nalalapit na HEA release

‘Winning half the battle.’

Ganyan kung ilarawan ni Senate Committee on Health, Chairperson, Senador Christopher ‘Bong’ Go ang nakaraang pag-anunsyo ng Department of Budget and Management (DBM) na pagri-release ng P27 bilyon para sa natitirang health emergency allowance (HEA).

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Anya, bagamat sulit ang kanyang mga naging panawagan sa pagdinig ay marapat na tutukan ng Department of Health (DOH) at DBM ang pagpapatupad nito.

Alinsunod nito, nanawagan siya sa mga nasabing ahensya na tiyaking tugma ang kanilang mga records para mabigyan lahat ng HEA ang mga kwalipikadong healthcare workers na nagserbisyo noong pandemya.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ayon kay Go, ayaw naman niyang may madehado sa mga ito lalo na’t service rendered na ito.