Pagtatayo ng mga poste at paglalatag ng linya para sa mga benepisyaryo ng Sitio Electrification Program (SEP) 2022 sisimulan na ng Canoreco ngayong Enero

CAMARINES NORTE- Sisimulan na ng Camarines Norte Electric Cooperative ngayong Enero, ang pagtatayo ng mga poste, paglalatag ng linya ng kuryente at housewiring installation sa nasa 480 household beneficiaries ng CANORECO Sitio Electrification Program (SEP) 2022.

Ang SEP ay isang programa ng pamahalaan sa pamamagitan ng National Electrification Administration (NEA) at Department of Energy (DOE).

Sa programang ito, ang mga benepisyaryo ay may libreng housewiring installation (dalawang ilaw, isang saksakan, isang circuit breaker, maximum 30 meters na service drop at 1 kuntador) at libreng labor.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Ang mga babayaran lamang ay Bill Deposit na Php200.00, ID Fee na Php50.00 at Membership Fee na Php 5.00 na may kabuuang Php255.00 lamang kada benepisyaryo.

Ayon sa naturang kooperatiba ng kuryente,  malaking tulong ang nasabing programa sa mga nakatira sa mga lugar na malalayo sa mga existing na linya ng kuryente.

Bukod sa libreng housewiring installation at labor, nasa Php255.00 lamang ang babayaran kumpara sa Php885.40 na bayarin ng isang baguhang regular applicant na magpapakabit ng isang residential kwh meter na may 5 outlets pababa.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Ang programang ito sa Camarines Norte ay nagkakahalaga ng 1,572,869.34.

Napaglaanan na rin ng budget ng pamahalaan ang susunod na SEP, para ngayong 2023, na binigyan ng Kongreso ng Php1.6B na budget para mapailawan na rin ang mga natitira pang sitio sa buong bansa na wala pang serbisyo ng kuryente.