Pagtatayo ng Malasakit Center, nagpapatuloy

KORONADAL CITY- NAGPAPATULOY ang pagpapatayo ng Malasakit Center sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Ito ang inihayag ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, may akda ng Malasakit Center Act.

Sa ngayon, nasa 120 malasakit Centers na ang naipatayo sa buong bansa, isa rito ay nasa South Cotabato Provincial Hospital.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ayon kay Senator Go na bukas para sa lahat at walang pinipili ang naturang pasilidad.

Ang Malasakit Center ay isang one-stop shop kung saan may mga itinalagang staff mula sa Philhealth, DSWD, DOH at Philippine Charity Sweepstakes Office (PSCO) para sa mas mabilis na pagbibigay ng financial assistance sa mga mahihirap na mga pasyente.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Layunin din ng mga Malasakit Center na maibaba sa pinakamababang halaga o kaya ay maging zero-balance ang bayarin sa ospital ng mga indigent.