NAGA CITY- 131 na pulis mula sa 15 himpilan na ang tinamaan ng COVID-19 sa Camarines Sur , 92 dito ang naka recover na habang 39 ang aktibong kaso.
Kahapon, 150 na mga pulis ang nabakunahan laban sa naturang sakit habang 300 naman noong nagdaang Sabado Hunyo 12, 2021 ayon kay PNP Provincial Director PCol. Bernado Perez sa naging panayam ng Brigada News FM Naga. 300 naman ang inaasahang mababakunahan din bukas.
Para kay Perez,mahalagang bakunado ang pulis bilang proteksyon sa kanilang hanay, sa kanilang pamilya at komunidad.
Sa hiwalay na panayam pa kay PLtCol. Louie Dela Peña, tagapagsalita ng PNP Camarines Sur sinabi nitong wala namang sapilitan ang pagbabakuna kahit pa 100% vaccination rate ang kanilang target.