Pagtatayo ng airport sa Jolo, Sulu inanunsyo ni Pangulong Marcos

Inanunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos kahapon na nagpaplano ang pamahalaan na magtayo ng airport sa Jolo, Sulu.

Sa pamamahagi ng financial assistance kahapon, sinabi ni Pangulong Marcos na kasalukuyan nang binabalangkas ang lahat ng mga kinakailangan upang masimulan ang Jolo Airport Development Project.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Dagdag ng Pangulo, may naka handa nang 100 million pesos para pasimulan ang naturang proyekto.

Nabatid na itinutulak ng pamahalaan ang probinsya ng Sulu na mapabilang sa mga best tourist destination sa bansa.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Isa rin ang Sulu sa mga lalawigan sa bansa na balak paglagyan ng Department of Tourism ng Tourist Rest Area o TRA.