Pag-amyenda sa EPIRA – isa sa tinitingnang paraan ng Kamara upang mas mapabagal ang inflation

Naniniwala si Speaker Martin Romualdez na mas mapahuhupa pa ang inflation sa bansa sa sandaling mapababa rin ang presyo ng kuryente at bigas.

Ayon kay Romualdez, sa pamamagitan ng pag-reduce ng electricity rates at rice prices, mas babagal ang galaw ng inflation.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Kaugnay nito, sinabi ng mambabatas na tinitingnan nila ang posibleng pag-amyenda sa EPIRA upang bumaba ang presyo ng kuryente, at maging abot-kaya ang lahat sa tamang presyo.

Ang EPIRA ay isa sa mga LEDAC priority measures na target matapos bago ang Christmas break.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Ani Romualdez, magsasagawa rin sila ng inquiry hinggil sa energy situation sa bansa.

Ang bansa kasi ang isa sa mga bansangn may pinakamataas na presyo ng kuryente sa ASEAN region.