Pagiging ‘state witness’ ni Guo – kinontra ng PAOCC

Hindi pabor ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na maging testigo si suspended Bamban Mayor Alice Guo sa mga kasong may kinamalamn sa POGO sa kaniyang bayan.

Una na kasing nabuksan ang posibilidad na maging ‘state witness’ si Guo, para maikanta ang iba pa niyang mga nalalaman hinggil sa POGO, at ang mga ‘di umano’y iligal na aktibidad na ginagawa nito.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Sabi ni PAOCC spokesperson Winston Casio – hindi qualified si Guo na maging state witness dahil direktang konektado ito sa dalawang operasyon ng POGO hub.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Maituturing din umano siyang ‘most guilty’, pero hahayaan pa rin nila ang Korte o Estado na magdesisyon para rito.

Ayon kay Casio, para maging qualified si Guo bilang testigo, dapat ay maging ‘least guilty’ siya sa kaso.