Pagtatapos ng libreng sakay makakatulog sa mga tricycle driver ayon sa isang toda sa naga

NAGA CITY- Tapos na ang libreng sakay sa jeep at ilang pampublikong sasakyan na programa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) , sa kabilang banda makatutulong ito sa mga tricycle driver ayon sa isang grupo sa Naga City.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Ed Daep ng SAMATODA , sinabing silang mga nagpaparada sa terminal sa Sabang ay labis naapektuhan ng libreng sakay. Marami kasi sa mga pasahero ay pinipiling sumakay sa jeep na kasama sa programa. Bawas na bawas ang kanilang kita. Inintindi nila ang sitwasyon dahil programa ito ng pamahalaan at makagagaan sa mga pasahero.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ipinagpapasalamat din nina Daep ang inaasahang rollback sa presyo ng produktong petrolyo bukas kung saan aabot sa P6.50 ang ibababa ng Diesel habang hanggang P5.70 sa bawat litro ng gasoline.